2-sunod na panalo kay So
Tagaytay City, Philippines -- Ikalawang sunod na panalo ang isinulong ni Super Grandmaster Wesley So mataposigupo si GM Eugene Torre sa second round ng Asian Zonal 3.3 Chess Championships noong Miyerkules ng gabi dito sa Tagaytay International Convention Center.
Tangan ang itim na piyesa, tinalo ng 19-anyos na si So si Torre sa 38 moves ng Torre Attack sa nasabing nine round Swiss-System Tournament.
Itinaas ng tubong Bacoor, Cavite na si So ang karta sa 2 points para makasalo sa 1st hanggang 5th place kasama sina second seed GM Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam, defending champion GM Susanto Megaranto ng Indonesia, GM Mark Paragua at GM Darwin Laylo ng Pilipinas.
Tinalo ni Ngoc Truong Son si US-based GM Banjo Barcenilla sa 28 moves ng King’s Indian defense, habang binigo ni Megaranto si FM Haridas Pascua sa 26 moves ng Queens Indian defense at pinayukod ni Paragua si Ben Polao sa 39 moves ng Sicilian defense.
Iginupo ni Laylo si NM Nelson Villanueva sa 33 moves ng Sicilian defense.
Sa iba pang laro, naka-draw si IM Barlo Nadera kay GM Joey Antonio Jr. sa 40 moves ng Torre Attack skirmish at nauwi rin sa draw ang laban nina IM Bayarsaikhan Gundavaa ng Mongolia at kababayang si FM Gombosuren Munkhgal sa 41 moves ng Queens Indian.
May magkakatulad na 1.5 points sina Nadera, Antonio, Gundavaa, Munkhgal, GM Dao Thien Hai, GM Cao Sang at IM Nguyen Doc Hoa ng Vietnam at IM Oliver Dimakiling ng Pilipinas.
- Latest
- Trending