^

PM Sports

Blackwater pasok na sa semifinals

AT -

MANILA, Philippines -  Lumabas ang lakas ng Blackwater Sports pagtungtong ng ikatlong yugto para kunin ang ikalawang puwesto at ang mahalagang awtomatikong puwesto sa semifinals ng PBA D-League Aspirants’ Cup nang durugin ang Cagayan Valley Rising Suns, 93-70, kahapon sa Trinity University of Asia Gym sa Quezon City.

Ang naunang dikitang laro ay nauwi sa tambakang panalo para sa Elite nang biglang nag-init ang mga shooters ng koponan sa pangunguna ni Ian Mazo at ang 41-all tabla ay naging 60-44 bentahe matapos ang tatlong yugto.

Si Jeric Fortuna ay mayroong 14 puntos tulad ni Kevin Ferrer at  nanguna siya sa malakas na laro sa huling 10 minuto para ibigay sa tropa ni coach Leo Isaac ang ikapitong panalo sa siyam na laro at samahan ang NLEX Road Warriors sa Final Four.

“Maganda ang ginawa nating depensa sa kanilang mga guards. Sa second half ay lumabas ang laro ni Jeric pero nakatulong ang magandang laro ng mga big man ko,” wika ni Isaac.

Tinapos ng Suns ang kampanya sa eliminasyon  bitbit ang 6-4 karta at kahit kinapos sila sa insentibo, malaki ang laban nila sa quarterfinals dahil posibleng makuha nila ang isa sa dalawang twice-to- beat advantage.

Palaban din ang Cebuana Lhuillier sa puwesto sa quarterfinals matapos ilampaso ang Informatics, 112-94, sa unang laro.

May 27 puntos si June Dizon, at 20 ang ginawa sa first half na kung saan nagdomina agad ang Gems para makasalo sa Fruitas, Boracay Rum at Café France sa 4-5 baraha.

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

FINAL FOUR

IAN MAZO

JUNE DIZON

KEVIN FERRER

LEO ISAAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with