Asian Zonal 3.3 Chess Championships So nagparamdam agad
TAGAYTAY CITY, Philippines -- Nagparamdam agad si Super Grandmaster (GM) Wesley So nang manalo sa unang laban sa Asian Zonal 3.3 Chess Championships sa Tagaytay International Convention Center.
Tinalo ng 19-anyos na pambato ng Bacoor, Cavite na si So, ang highest-ranked player ng bansa na may Elo rating na 2682, si Rustum Tolentino ng Cagayan de Oro City (ELO 2364) sa 28 moves ng Queens Pawn Game tangan ang puting piyesa.
“Maganda ‘yung coor-dination ng major pieces ko sa Queen, Rook and Knight sa middle game namin ni Rustum kaya napilit kong manalo sa laro despite equal ang piyesa naman at saka mga pawn,†sabi ni So.
Susunod na makakalaban ni So, ang top seed sa 38-player Open division at ranked 66th sa buong mundo, si GM Eugene Torre ng Quezon City (ELO 2485) sa second round.
“Mabigat ang second round natin. I think nung huling beses kaming naglaban ni GM (Eugene) Torre ay nauwi sa draw,†ani So na hangad makalaro sa World Cup sa Aug. 10 hanggang Sept. 5 sa Tromso, Norway.
Si Torre, ang unang Grandmaster sa Asya, ay nanalo via default kontra kay National Master Michael Gotel ng Quezon City (ELO 2161).
Nagwagi naman si US based GM Rogelio ‘Banjo’ Barcenilla Jr. (ELO 2483) kay NM Rolando Andador ng Talisay, Negros Occidental (ELO 2326) sa 53 moves ng Slav defense para makatapat si second seed Super GM Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam (ELO 2631) na nanaig kay FM Rudin Hamdani ng Indonesia (ELO 2357) sa 49 moves ng French defense. Panalo rin si Fide Master Haridas Pascua ng Mangatarem, Pangasinan (ELO 2386) sa kababayang si Sarangani Usman (unrated) sa 36 moves ng Pirc defense.
- Latest