^

PM Sports

Azkals gustong gumantisa Turkmenistan

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipaghihiganti ng Azkals ang pagkatalo sa Turkmenistan sa kanilang muling pagtutuos sa 2014 AFC Challenge Cup Group Stages sa Rizal Memorial Football Stadium mula Marso 22 hanggang 26

Noong 2012 ay nagkita ang Azkals at Turks sa semifinals ng 2012 edition sa Nepal at nanalo ang huli sa 2-1 iskor upang umabante sa finals. Tinapos ng Pilipinas ang kampanya gamit ang 4-3 panalo sa Palestine para malagay sa ikatlong puwesto.

 â€œIts unfortunate that we will be playing Turkmenis-tan who finished second in the last Challenge Cup. But I think we’ll be ready this time,” wika ni Azkals team manager Dan Palami na nakasama ni Philippine Football Federation (PFF) secretary-general Atty. Edwin Gastanes na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.

Tiyak na mas malakas ang koponan sa edisyong ito dahil ang mga pinagpipitaganang Fil-Foreigners ay darating dahil nalagay bilang FIFA International match days ang torneo.

Sina  goalkeeper Neil Etheridge, Dennis Cagara, Jerry Lucena at Ray Jonson ang mangunguna sa laban ng Azkals. Lalakas pa ang koponan kung makakahabol ang baguhang si Javier Lachica Patino, isang 24-anyos na striker na naglalaro sa Cordoba FC sa Spain.

“He is one of the more experienced active striker playing in Spain. He is  arriving today and will work on his papers,” ani pa ni Palami.

Inanunsyo naman ni Gastanes ang pagpapatawag sa mga National pool players para sa training camp sa  Rizal Memorial Pitch mula Enero 28 hanggang 30 para masimulan ang paghahanda.

“Ang camp na ito ang magsisimula sa ating paghahanda at ang mga dadalo ay may tsansa na masama sa team na pupunta sa Yangon para sa friendly game laban sa Myanmar sa February 6,” ani Gastanes.

Hinggil sa estado ni national coach Hans Michael Weiss, isiniwalat ni Gastanes na magpupulong uli ang PFF at German coach ngayon o bukas at inaasahang mapipirmahan na ang kontrata na magpapanatili kay Weiss sa koponan sa loob ng anim na buwan.

AZKALS

BUT I

CHALLENGE CUP

CHALLENGE CUP GROUP STAGES

DAN PALAMI

DENNIS CAGARA

EDWIN GASTANES

GASTANES

HANS MICHAEL WEISS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with