^

PM Sports

Cagayan, JRU umukit ng impresibong panalo

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Umukit ng dominanteng panalo ang Cagayan Valley Rising Suns at Jose Rizal University para mapaganda pa ang kanilang mga puwesto sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Jose Rizal University Gym sa Mandaluyong City.

May 27 at 23 puntos sina Eliud Poligrates at Christopher Eximiniano para pamunuan ang 107-75 pangingibabaw ng Suns sa kulang-sa- taong Fruitas upang lumapit sa isang panalo tungo sa paghablot ng ikalawang puwesto at ang awtomatikong puwesto sa semifinals.

May 6-3 karta ang Suns na sunod na babanggain ang nasa ikalawang Blackwater Sports (6-2) upang alamin kung sino sa kanila ang makakasama ng NLEX sa Final Four.

“Mahalagang panalo ito at ang lagi ko lang na ipinaalala sa kanila ay ang chance namin na makuha ang insentive kung manalo kami,” wika ni Suns coach Alvin Pua.

Ramdam uli ang di paglalaro ng injured na 6’8” center na si Ola Adeogun para matalo ang Shakers sa ikalawang sunod na pagkakataon.

May 4-5 ang tropa ni coach Nash Racela at nakasalo ang Boracay Rum at Café France sa mahalagang ikaanim hanggang ikawalong puwesto.

Hindi rin pinaporma ng inspiradong Heavy Bombers ang talsik nang Erase Xfoliant para sa 74-61 panalo sa ikalawang laro.

Ikaapat na sunod ito ng JRU at ikalima sa siyam na laro sa pangkalahatan para makapasok na ang tropa ni coach Vergel Meneses sa quarterfinals.

“Ito ang mahalagang panalo para sa amin dahil nasa quarterfinals na kami. Anuman ang mangyari sa last game, masaya na ako sa ipinakita ng mga bata,” wika ni Meneses.

Si Dexter Maiquez ay mayroong 14 puntos para pamunuan ang Bombers.

ALVIN PUA

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

CHRISTOPHER EXIMINIANO

D-LEAGUE ASPIRANTS

ELIUD POLIGRATES

ERASE XFOLIANT

FINAL FOUR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with