Gusto pa ba o ayaw na sa TNT ni Aguilar? Tropang Texters naguguluhan na
MANILA, Philippines - Matapos lumabas ang balita sa isang website na gustong magpa-trade ni dating No. 1 draft pick na si Japeth Aguilar, nalilito ngayon ang pamunuan ng Talk ‘N Text kung ano ang totoo.
Ayon sa team manager ng Tropang Texters na si Aboy Castro, nakausap na ng management noong nakaraang linggo si Aguilar at sinabi nitong nais niyang lumaro para sa TNT.
Ngunit kahapon, lumabas ang balita sa www.spin.ph na gusto nang magpa-trade ni Aguilar na nagpasabi sa pamamagitan ng kanyang player agent na si Matthew Manotoc ang idinadahilan niya ay ang kakula-ngan sa kanyang playing time.
Napabalitang nais umuwi ni Aguilar dito sa bansa para magdiwang ng kanyang ika-26 kaarawan sa Biyernes. Pero tila nagbago na naman ang isip.
“Japeth wants to be traded before going home,†na-quote si Espiritu sa naturang istorya.
Hawak pa rin ng Tropang Texters ang rights sa pag-lalaro sa PBA ni Aguilar na nag-average lamang ng 6.6 puntos, 4.1 rebounds, 1.3 shotblocks sa average na 15.4 minuto sa 52 games nang huli itong naglaro sa TNT.
Ayon kay Castro, kung gusto pa ring maglaro ni Aguilar sa Talk ‘N Text, kailangan muna niyang umuwi dito para maayos ang kanyang kontrata.
Kasalukuyang nasa Chicago si Aguilar na kamakailan lang ay sumubok maglaro sa NBA Development League matapos mag-expire ang kanyang kontrata sa Talk ‘N Text sa pagtatapos ng 2011-12 season.
“Hindi pa nga siya bumibili ng ticket eh. Basta ang gusto niya uuwi siya pag plantsado na (ang trade),†wika pa ni Espiritu. “Yung hinihingi niya kasing playing time, sa ibang koponan niya pwedeng makuha. And knowing Japeth, he wants to prove his worth. And paano niya maipapakita `yun kung crunch time nasa bench siya,†dagdag pa ng player agent.
Mahigit tatlong taon lamang ang nakaraan pagkatapos siyang gawing No. 1 Draft pick sa PBA ng Burger King at nagpa-trade sa ibang koponan na Talk ‘N Text ang kinalabasan, hetong muli si Aguilar at nais na namang umalis sa kampo ng Tropang Texters sa pamamagitan uli ng isang trade.
Hindi nagustuhan nina Talk ‘N Text coach Norman Black at dating TNT coach Chot Reyes ang sinasabing dahilan ni Aguilar kung bakit nais nitong ma-trade.
Nagkaisa sina Black at Reyes na ang playing time ay pinagtratrabahuhan ng lahat ng basketball players at hindi ito hinihingi.
“I have not talked to Japeth so I don’t know how he really feels but I know playing time is earned and not just given,†pahayag ni Black. “No smart coach will not play a player who can help him win games and I consider myself a smart coach.â€
“One EARNS playing time. Not demand or expect it,†pahayag naman ni Reyes, ang coach ni Aguilar sa huling paglaro nito sa TNT bago nito kinuha ang responsibilidad sa Gilas Pilipinas National team.
- Latest