Football stadium ‘di muna ipapaayos ng PSC
MANILA, Philippines - Ipagpapaliban ng PhiÂlipÂpine Sports Commission (PSC) ang pagpapaÂayos sa maalamat na Rizal MeÂmorial Football Stadium para bigyang-daan ang pagdaraos ng Asian FootÂball Confederation (AFC) Challenge Cup quaÂlifiers sa Marso 22-26.
Balak ng PSC, namamahala sa Rizal Memorial Sports Complex sa Vito Cruz, Manila, na palitan ng artificial field ang natural grass sa stadium.
Ang gagastusin ng sports agency sa naturang proÂyekto ay P25 milyon.
“In the spirit of natioÂnal interest, we’ll reserve the venue for the AFC Challenge Cup qualifiers and defer construction (unÂtil after the hosting),†saÂbi ng isang PSC official.
Hiniling na ng Philippine Football Federation (PFF) sa PSC ang paggaÂmit sa Rizal para sa qualifiers.
Makakalaban ng PhiÂlipÂpine Azkals sa nasabing torÂneo ang TurkmenisÂtan, BruÂnei at Cambodia sa Group E.
Ang mananalo sa gruÂpo ang aabante sa final round sa 2014.
Nabasura ang kasunduan ng PFF at ang PSC na gawin ang stadium bilang isang all-weather stadium.
- Latest