Mayor Benhur Abalos hinirang na pinakamahusay na horse owner ng 2012
MANILA, Philippines - Dalawang malalaking panalo mula sa premyadong kabayo na Hagdang Bato ang humirang kay MandaluÂyong City Mayor Benhur Abalos bilang pinakamahusay na horse owner ng taong 2012.
Anim na panalo ang kabuuang hinakot ng kabaÂyong inilaban ni Abalos sa buwan ng Disyembre na nagÂtulak sa horse owner at pulitiko na makabangon muÂla sa ikatlong puwesto matapos ang buwan ng NobÂyembre.
Nanalo sa Presidential Cup at Philracom Grand Derby para makapagpasok ng P4.3 milyong premÂyo ang Hagdang Bato, si Abalos ay kumabig ng P14,439,330.12 premyo matapos ang 12 buwan ng nagÂdaang taon.
May 38 panalo, 18 segundo, 21 tersero at 16 kuwartos ang karta ng mga kabayong nakita mula sa kuwadra ni Abalos para makopo ang pinakamahusay na horse owner na taguri sa unang pagkakataon.
Sina Eduardo Gonzales at Aristeo Puyat na noong NobÂyembre ang tumapos sa ikalawa at ikatlong puwesto, ayon sa pagkakasunod.
Umabot sa P13,060,620.29 ang kinita ni Gonzales mula sa 97 panalo, 68 segundo, 51 tersero at 56 kuwartos na puwestong pagtatapos.
Pero sa buwan ng Disyembre, ang mga panlaban ni Gonzales ay may tatlong panalo patungo sa halos P600,000.00 premyo lamang.
Si Puyat ay kumabig ng P11,805,625.20 mula sa 78 panalo, 69 segundo, 71 tersero at 51 kuwarto puwesto.
Sina Sixto Esquivias IV at Herminio Esguerra ay may mahigit na P10 milyong kinita upang maitala ang maituturing pinakaproduktibong taon para sa mga may-ari ng mga kabayo.
Si Esquivias ay nanalo ng P10,852,635.43 premÂyo (48-36-41-56), habang si Esguerra na palagiang naÂngunguna sa kanyang hanay ay nakuntento sa ikalimang puwesto sa P10,607,852.26 (66-43-30-48).
Ang namayapa nang si Don Antonio Floirendo Sr. ay nasa ikaanim mula sa kanyang P8,140,034.04 kasunod si Leonardo “Sandy†Javier Jr. (P7,859,005.26).
Nasa ilalim ni Javier sina Atty. Norberto Morales (P6,917,836.81), Jade Bros. Freight (P6,570,048.25) at Congressman Jecli Lapus (P6,475,670.49) para sa unang sampung puwesto.
- Latest