Kobe naiboto sa kanyang pang 15 All-Star game
NEW YORK -- IbinoÂto si Kobe Bryant sa kanyang NBA record na pang 15 sunod na All-Star start kasama ang apat pang Los Angeles players sa daraÂting na All-Star Game.
Makakasama ni Bryant sa Western ConfeÂrence line-up si Lakers teamÂmate Dwight HoÂward at sina Chris Paul at Blake Griffin ng Los AnÂgeÂles Clippers.
Nakatakda ang 2013 All-Star sa Pebrero 17 sa Houston.
Nasa Western ConfeÂrence team din si Oklahoma City superstar Kevin DuÂrant, ang hinirang na MVP sa 2012 All-Star.
Inungusan naman ni KeÂvin Garnett ng Boston Celtics si Chris Bosh ng Miami Heat sa fan balloÂting.
Bukod kay Garnett, naÂsa Eastern Conference line-up din ang kanyang kaÂkamping si Rajon RonÂdo, sina LeBron James at DwÂyane Wade ng Miami Heat at si New York Knicks star Carmelo AnÂthoÂny.
Tumapos si Bryant na may 1,591,437 votes at tiÂnalo si James ng 7,800 paÂra burahin ang naunang mga NBA All-Star record nina Shaquille O’Neal, Jerry West at Karl Malone sa paramihan ng All-Star starts.
Ang leading scorer ng NBA ay isang four-time MVP ng All-Star game at naging career scoring leaÂder.
Tinalo naman ni Garnett si Bosh, ginamit ang Twitter sa huling mga araw ng botohan, sa paÂmamagitan ng halos 25,000 votes.
Nakatabla niya sina Bryant at O’Neal para sa ikaÂlawang all-time mula sa kanyang pang-15 pagkakapili sa likod ni Kareem Abdul-Jabbar, napili ng 19 beses.
Ito ang ikalawang sunod na pagkakataon na may apat na players ang mga Los Angeles teams sa All-Star.
Noong nakaraang taon ay naiboto sina Bryant, Paul, Griffin at Andrew ByÂnum, dinala sa PhilaÂdelÂphia bilang bahagi ng trade kung saan nailipat si Howard mula sa Orlando patungong Los Angeles.
Ang mga reserves ay ihahayag sa HuÂweÂbes.
- Latest