^

PM Sports

Oklahoma nangunguna na sa NBA Power Rankings

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang Oklahoma City Thunder ay naging unang team na umabot ng 30 panalo na sapat na upang malagay sila sa tuktok ng Yahoo! Sports NBA Power Rankings.

Matapos ang apat na sunod na panalo, tinapos ng Thunder ang tatlong sunod na linggong pananatili ng LA Clippers sa No. 1 matapos ang mga laro noong Lunes.

1. Oklahoma City Thunder (30-8, dating ranking: second): Naipanalo ng Thunder ang apat na sunod na laro matapos matalo sa Washington. Inilabas pa ng Thunder ang kanilang galing matapos igupo ang Denver, 117-97.

2. Los Angeles Clippers (30-9, dating ranking: first): Dahil naglalaro na si Grant Hill, nanalo ang Clippers sa pagdayo sa Memphis kahit wala si point guard Chris Paul. Nalo rin uli sila sa Houston, 117-109.

3. San Antonio Spurs (30-11, dating ranking: third): Mabibigat ang mga kalaban ng Spurs sa linggong ito na haharapin nilang hindi kasama ang may injury na si guard Manu Ginobili: Makakalaban ng Spurs ang Memphis, Golden State at Atlanta.

4. Miami Heat (25-12, dating ranking: fourth): Supresang ibinangko si Dwyane Wade sa huling bahagi ng pagkatalo ng Heat kontra sa Utah noong Lunes, 106-97.

5. Memphis Grizzlies (24-13, dating ranking: fifth): Dahil sa mga bali-balita tungkol sa trade, lumasap ang Grizzlies ng dalawang sunod na talo. Natalo rin sila sa San Antonio, 103-82.

6. New York Knicks (24-13, dating ranking: sixth): Nagtala lamang ang Knicks ng 3-4 nitong January. Mapapahinga ang Knicks dahil isa lang ang laro nila nga-yong linggo.

7. Golden State Warriors (23-14, dating ranking: seventh): Patuloy ang pagsubok na hinaharap ng  Warriors nitong January. Hinarap nila ang Miami at natalo sa 92-75 at susunod nilang kalaban ang San Antonio.

8. Indiana Pacers (24-16, dating ranking: ninth): Ang Pacers ay may dalawang All-Star candidates na sina forward David West at swingman Paul George.

9. Denver Nuggets (24-17, dating ranking: 12th): Nagbalik na ang dating Nuggets center na si Nene sa Denver para lumaro sa unang pagkakataon sapul nang i-trade sa Washington.

10. Brooklyn Nets (23-16, dating ranking: 13th): Ang Nets ay 6-0 nitong January sa ilalim ni interim coach P.J. Carlesimo. Nanalo ang Brooklyn sa Toronto bago natalo sa Atlanta, 109-95.

 

ANG NETS

ANG OKLAHOMA CITY THUNDER

ANG PACERS

BROOKLYN NETS

CHRIS PAUL

DAHIL

DATING

DAVID WEST

RANKING

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with