Dr. Jimenez humingi ng tawad kay Manny
MANILA, Philippines - Humingi ng tawad ang neuroligist na nagsabing may nakikita siyang sintomas ng Parkinson’s disease kay Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao kahit na hindi pa niya ito personal na nasusuri.
“I’m not labeling Congressman Pacquiao as ha-ving Parkinson’s disease,†ani Dr. Rustico Jimenez, ang presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines, kahapon sa panayam ng ABS-CBN News. “Observation ko lang ‘yun. Ang sinasabi ko, magpa-test siyang mabuti.â€
“Kung nasaktan siya because of my observation, eh humihingi na ko ng apology sa kanya,†ani Jimenez, siyang nagpahayag na may nakikita siyang sintomas ng Parkinson’s disease kay Pacquiao mula sa naunang panayam sa kanya ng radio program na DZMM.
Mariin naman siyang kinondena ng Philippine Medical Association dahil sa paghahayag ng kanyang opinyon kahit na hindi pa niya nasusuri ng personal ang 34-anyos na Sarangani Congressman.
“As a policy, we at PMA must not issue such statement on the alleged medical condition of Pacquiao unless he has been diagnosed and undergone examinations,†ani PMA president Modesto Llamas sa isang press conference.
Matapos lumabas ang panayam kay Jimenez at maging kay forensic pathologist Dr. Raquel Fortun ay agad itong pinabulaanan ni Pacquiao.
- Latest