^

PM Sports

Pacquiao-Marquez V, patok sa botohan

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tila hindi matatapos sa apat ang pagkikita nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.

Sa isinagawang botohan sa RingTV.com home-page, lumalabas na 29.9 porsiyento ng mga boxing fans ang gustong mapanood ang pang-limang banggaan ng 34-anyos na si Pacquiao at ng 39-anyos na si Marquez ngayong taon.

Ang poll question ay “What fight would you most like to see made in 2013?” na sinagot ng 20,000 voters para sa pitong malalaking laban na gusto ng mga fans na matunghayan ngayong 2013.

Ang Marquez-Pacquiao V ay tumanggap ng 29.9% kasunod ang salpukan nina world middleweight champion Sergio Martinez at pound-for-pound king Floyd Mayweather, Jr. na nakakuha ng 23.4%.

Pinatumba ni Marquez (54-6-0, 39 KOs) si Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) sa huling segundo ng sixth round sa kanilang ikaapat na salpukan noong Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na pipilitin niyang maitakda ang pang-limang laban ng Filipino world eight-division champion at ng Mexican four-division titlist sa buwan ng Setyembre.

Ngunit bago bumalik sa pag-eensayo si Pacquiao, sinabi ni Arum na hihilingin muna niya sa Filipino boxing superstar na magpatingin sa Lou Ruvo Center for Brain Health ng Cleveland Clinic.

Bago matalo kay Marquez, nabigo muna si Pacquiao kay Timothy Bradley, Jr. via split decision noong Hunyo kung saan naagaw sa kanya ng American ang suot niyang World Boxing Organization welterweight belt.

ANG MARQUEZ-PACQUIAO V

BOB ARUM

BRAIN HEALTH

CLEVELAND CLINIC

FLOYD MAYWEATHER

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

LOU RUVO CENTER

MARQUEZ

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with