Garcia nag-aalala sa pondong nakukuha mula sa PAGCOR
MANILA, Philippines - Nag-aalala si Philippine Sports Commission chairman Richie Garcia na posibleng bumaba pa ang nakukuhang pondo ng ahensiya mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).
Sinabi na ni Garcia na P40 million na lamang ang nakuha ng PSC mula sa PAGCOR noong December 2012 mula sa dating P60 million at nangangamba siyang lalong bumaba ito dahil sa mga nagsusulputang private casino.
“If the trend continues and let’s say we’ll drop by about P10 million a month, that’s already P120 million a year ( na pagbaba) so malaki ang mawawala sa PSC,†ani Garcia.
Base sa Republic Act 6847, tumatanggap ang PSC ng 5% na kita ng PAGCOR upang matustusan ang integrated sports programs ng bansa. Ang kuwentahan 5% share ay pinagtatalunan pa ng dalawang government entities.
Sa pagkakaalam ni Garcia, ang mga private casino operations tulad ng nasa Resorts World at ng nasa Pagcor City ay hindi kasama dito.
“Pag nagbukas ang private casinos, apektado tayo kasi private ‘yan, hindi naman sila magbibigay sa amin ng share doon,†sabi ni Garcia.
Idinagdag niyang maaari silang humingi ng tulong sa Congress para makakuha ng pondo mula sa kita ng private casino.
“Dapat meron kami. They have to study that, Congress has to look at it,†sabi pa ni Garcia. “It’s a very major concern for PSC kasi maraming magsusugal sa bagong casino which will deprive PSC of our Pagcor share,â€dagdag niya.
- Latest