24th Dubai international championships: Gilas tangka ang 2-0 laban sa Jordan
MANILA, Philippines - Mag-uunahan ang Gilas Pilipinas II at Amarex ng Jordan sa paghablot ng ikalawang panalo sa pagtatapos ngayon ng group rankings sa 24th Dubai Internatio-nal Basketball Championships sa Al-Ahli Club sa Dubai, United Arab Emirates.
Mahalaga ang makukuhang panalo dahil makakaiwas ang alinman sa Gilas at Amarex na makasagupa agad ang malalakas na koponan sa Group A.
Nasa Group B ang Pilipinas kasama ang tatlong iba pang koponan na sumailalim sa single-round elimination para malaman ang rankings papasok sa knockout quarterfinals.
Tabla ang apat na koponan sa grupo bitbit ang 1-1 karta kaya’t maganda pa rin ang tsansa ng tropa ni coach Chot Reyes na tumapos sa itaas ng standing.
Naunang nanalo ang Gilas sa Mouttahed Tripoli ng Lebanon, 79-77, bago dumapa sa malakas na host team Al-Ahli Club, 82-97.
Galing naman sa talo ang Amarex sa kamay ng Mouttahed sa larong dinomina ng Jordan sa halftime nang makalayo ng 20-puntos.
Ibinabandera ang Jordan ng mahuhusay na imports na sina Alpha Bangura at Darwin Dorsey bukod pa sa paglalaro ng mga National players na sina 6’10†Ali Jemel, 7’2†Ahmen Deouri at 6’8†San Sakkakini.
Ngunit ang pagkatalo ng koponan sa Mouttahed na tinalo ng Pilipinas ang nagbibigay kumpiyansa sa tropa ni coach Reyes na kaya nilang lusutan ito.
Nakikitaan ng galing ang mga locals sa pangunguna ni Garvo Lanete pero susi sa panalo ang ipakikita ni Marcus Douthit na matapos ang 20 puntos at 10 rebounds sa Mouttahed ay nalimitahan lamang sa 9 puntos ng tatlong malala-king imports ng Al-Ahli Club.
“Sorry for the loss. I should have been smarter and more of a leader. Ne-ver to old to learn,†pahayag ni Douthit matapos ang huling laro.
- Latest