Matapos manalo sa Mouttahed: Gilas yukod sa Al-Ahli sa Dubai Invitationals
MANILA, Philippines - Kung nakalusot ang Smart Gilas-PiÂlipinas sa kanilang unang laro, hinÂdi niÂla natakasan ang Al-Ahli ng United Arab EmiÂrates.
Yumukod ang NatioÂnals sa kopoÂnan ng Al-AhÂli, 82-97, sa kanilang paÂngalawang asigÂnatura sa 24th Dubai InÂternational basÂketball tournament kaÂÂhapon ng umaga sa Al AhÂli Sports Club.
Bago ang kanilang kaÂbiguan, nakuÂha muna ng Smart Gilas ang 79-77 taÂgumpay kontra sa MoutÂtahed ng Lebanon noÂong Sabado.
Inako naman ni NatioÂnal head coach Chot ReÂyes ang kabiguan ng NaÂtionals sa nasabing annual meet.
“My fault,†sabi ni ReÂyes sa kanyang Twitter account na @coachot. “I inÂexplicably lost my voice 5 mins into d game pa lang. Gone. Just like that. Couldn’t coach well d rest of d way.â€
Ibinandera ng host team ang kaÂnilang tatlong imÂÂports.
Ito ay sina dating New York Knicks plaÂyer Cheikh Samb ng Senegal at AmeÂricans Leroy Hurd at Leemire GoldÂwire, kuÂmampanya sa NBA D-LeaÂgue.
Mula sa kontribusyon ng kanilang tatÂlong reinforcements, nagtayo ang Al Ahli ng isang 23-point lead.
“D team’s immaturity showed tonight. Cudnt handle playing vs 3 ex NBA vets,†dagdag pa ni ReÂÂyes sa kanÂyang Twitter.
“Tough loss,†ang tweet naman ni caÂdet plaÂyer Kevin Alas sa kanyang acÂcount na @kevinlouiealas.
Susunod na makakataÂpat ng NatioÂnals ang SporÂÂting AmaÂrex ng Jordan na tumalo sa Al Ahli noÂong Sabado.
Ang top two teams muÂla sa Group A at B maÂÂtapos ang eliminasyon ang maÂkakapasok sa seÂmiÂÂfinals. (RCadayona)
- Latest