Spurs bagsak sa Grizzlies
MEMPHIS, Tenn. -- Nagsalpak si Rudy Gay ng isang pullup jumper sa huling 27.8 segundo para itakas ang Memphis Grizzlies sa San Antonio Spurs, 101-98, sa overtime at kunin ang kanilang ikaapat na sunod na ratsada.
Ito ang unang tagum-pay ng Grizzlies laban sa Spurs, ang kanilang kalaban sa Southwest Division, matapos noong 2011 playoffs.
Itinulak ni Tony Parker sa extension ang laro nang kumonekta ng 27-footer sa pagtunog ng buzzer para sa San Antonio.
Nauna nang nanaig ang Spurs kontra sa Grizzlies sa kanilang limang paghaharap.
Binuksan ni Parker ang overtime mula sa kanyang tres na siyang naging hu-ling basket ng San Antonio kasunod ang kanilang 1-of-10 fieldgoal.
Naimintis naman ni Manu Ginobili ang kanyang tres para sa huling posesyon ng Spurs sa final buzzer.
Ang slam dunk ni Darrell Arthur sa natitirang 8.9 segundo ang nagbigay sa Grizzlies ng final margin.
Pinangunahan ni Gay ang Memphis sa kanyang 23 points, habang may 21 si Mike Conley bukod pa ang 5 assists at tumipa ng 10-of-10 sa free throw line.
Humakot naman si Zach Randolph ng 18 points at 10 rebounds para sa kanyang NBA-leading 24th double-double.
- Latest