8-10 weeeks matetengga si Love dahil sa nabaliang kamay
MINNEAPOLIS -- Kung maghahabol ang Minnesota Timberwolves sa kanilang unang playoff berth sapul noong 2004, kailangan nilang gawin ito na hindi kasama si Kevin Love.
Sa kasamaang palad sa malas na prangkisa ng Wolves, alam na nila kung gaano kahirap na wala ang kanilang All-Star player na isa ring Olympian.
Matetengga si Love ng 8-10 weeks dahil kaila-ngan siyang operahan para ayusin ang kanang kamay na nabali sa ikalawang sunod na pagkakataon, ayon sa pahayag ng team nitong Miyerkules.
Ang nangyari kay Love ang pinakahuling injury sa mga key players ng Minnesota na nagpapahirap sa kampanya ng koponan.
Si Love ay nasa unang season ng kanyang $62 million contract extension na pinirmahan niya noong January.
Hindi nakalaro si Love sa unang tatlong linggo ng regular season nang mabali sa unang pagkakataon ang kanyang kamay sa isang preseason game.
Mabilis siyang nakabalik kaysa sa inaasahan at lumaro siya ng halos isang buwan bago mabali ang kanyang dalawang buto sa kanyang shooting hand sa laro kontra sa Denver noong nakaraang linggo.
Ihahayag pa kung kailan ooperahan si Love.
“We’re going to miss him (Love) a lot, but there’s nothing we can do about that right now,’’ sabi ni point guard Ricky Rubio. “We just have to keep moving forward.’’
Posibleng sa Marso na makabalik si Love, ilang linggo bago magsimula ang playoffs.
- Latest