^

PM Sports

Dubai Invitational: Smart Gilas haharap sa Lebanese club team

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kaagad na makakaharap ng mga cadet players ng Smart Gilas Pilipinas ang Al Mouttahed Tripoli nga-yong gabi sa pagsisimula ng 24th Dubai Invitational basketball tournament sa Al Ahli Club in Dubai, UAE.

Isang Lebanese club na naglalaro sa Lebanese Basketball League at sa Arab Club Championships, itatampok ng Mouttahed sina national players Rony Fahed at Roy Samaha, Lebanese-American Bassel Bawji at American reinforcements Marc Saylers at Eric Chatfields.

Itatapat naman ng Smart Gilas sina cadet players Garvo Lanete, Greg Slaughter, RR Garcia, Ronald Pascual, Kevin Alas, Jake Pascual, Matt Ganuelas, Justin Melton at Isaac Holstein.

Ang grupo ay inihahanda para sa 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar sa Nobyembre.

Magtatapat ang Smart Gilas at ang Mouttahed sa ganap na alas-9 ng gabi.

Ang eight-team competition ay nilahukan ng dalawang Lebanese club teams, dalawang koponan mula sa host country at tig-isa sa Jordan at Kazakhstan.

Makakalaban ng mga Filipino ang host club Al Ahli bukas kasunod ang pakikipagsukatan sa Al Riyadi Aramex ng Jordan sa Linggo sa Group B preliminaries.

Sina naturalized Filipino player Marcus Douthit,  PBA players Jay-R Reyes, Ronjay Buenafe at KG Canaleta ang kukumpleto sa Smart Gilas roster.

Ito ang unang torneo para sa mga Filipino cagers, sasabak din sa 2013 FIBA Asia Championships na magsisilbing regional qualifier para sa 2014 FIBA World Cup na nakatakda sa August sa Lebanon.

Posibleng kanselahin ng FIBA Asia ang event sa Lebanon dahil sa patuloy na kaguluhang nangyayari sa  Middle East country. May balitang umatras na ang Iran at Jordan sa torneo.

vuukle comment

AL AHLI

AL AHLI CLUB

AL MOUTTAHED TRIPOLI

AL RIYADI ARAMEX

ARAB CLUB CHAMPIONSHIPS

ASIA CHAMPIONSHIPS

DUBAI INVITATIONAL

ERIC CHATFIELDS

GARVO LANETE

SMART GILAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with