Simply Healthy campaign sisimulan sa Quezon City
MANILA, Philippines - Kinilala ng Philips Electronics and Lighting, Inc. (PELI) ang magandang programa ng Quezon City sa kalusugan at pangangalaga ng kalikasan kaya’t sa nasabing siyudad sisimulan ang bagong proyekto na Simply Healthy campaign.
Inilunsad kahapon ang nasabing proyekto sa Sulu Hotel at nanguna rito si Philips Country Manager Fabia Tetteroo-Bueno at QC Vice Mayor Josefina ‘Joy’ Belmonte at layunin ng proyekto ay ang maituro sa isang pamilya ang tamang pangangalaga sa kalusugan bukod sa tamang pangangalaga sa kapaligiran.
“Kami sa QC ay nagagalak sa pagkakapili sa aming siyudad upang dito pasimulan ang Simply Healthy campaign. Kaisa namin ang Philips sa paghubog sa isang pamilya ng tamang kalusugan at pagmamahal sa kapaligiran at ang pinakaprogresibong barangay na Matandang Balara ang siyang unang pagdarausan ng kanilang proyekto,†wika ni Belmonte.
May 50 pamilya ang target ng programa na sisimulan sa kalagitnaan ng buwan ng Pebrero. Sa loob ng apat na Sabado lamang gagawin ang programa at magtatagal ito ng apat na oras mula ika-7 ng umaga. Kasama rito ang magkakasamang pag-e-ehersisyo ng isang pamilya bago susundan ng pagtuturo sa tamang pangangalaga sa pangangatawan lalo na sa kababaihan.
Ang tamang pangangalaga sa kapaligiran ay pag-uusapan din at magakakaroon din ng feeding program upang malabanan ang malnutrisyon.
- Latest