Mas determinado ngayon si Avenido sa ABL
MANILA, Philippines - Para kay Asean Basketball League (ABL) Most Valuable Player (MVP) Leo Avenido ng San Miguel Beermen, lalo pang tumindi ang pagka-uhaw niya sa korona ng regional hoops matapos ang tatlong beses na pagkadismaya.
Naglaro si Avenido para sa nabuwag nang Brunei Barracudas at sa Singapore Slingers sa nakaraang mga ABL seasons bago lumipat sa Beermen para sa hanga-ring makuha ang kanyang unang titulo ngayong 2013.
“MVP o championship? Siyempre mas pipiliin ko yung championship kasi para sa buong team iyon, hindi lang individual,†sabi ni Avenido.
Ang 6-foot-2 guard ay nagtala ng mga ave-rages na 14 points, 3.7 rebounds at 1.9 assist per game para sa Beermen sa nakaraang ABL season.
Nakamit niya ang top individual plum dahil sa maganda niyang inilaro sa regular season at nakahugot ng boto mula sa mga ABL head coaches.
Bumandera ang Beermen sa eliminations sa kanilang unang season sa ABL.
Ngunit sa ABL finals ay natalo ang Beermen sa nagkampeong Indonesia Warriors para sa 0-3 championship record ni Avenido sa ABL.
“Katulad nga ng sabi ni coach Leo (Austria), complacency ang naging problema noon. Alam namin talented kami kaya dun lang kami nag-rely. Ngayon nagawan na namin ng paraan, nag-usap-usap na kami tungkol sa kanya-kanyang roles,†sabi ni Avenido.
Makakatuwang ni Avenido sina Fil-Am Chris Banchero, Chris Luanzon at RJ Rizada bukod pa kina imports Gabe Freeman at Brian Williams at mga dating PBA MVP’s na sina Asi Taulava at Erik Menk.
- Latest