Love matagal pa bago bumalik
MINNEAPOLIS – Nakipagkita si Minnesota Timberwolves forward Kevin Love sa mga doctor sa Twin Cities noong Lunes para ma-evaluate ang kanyang kanang kamay na nabali sa ikalawang pagkakataon ngayong season.
Nakatakda ring makipagkita si Love sa isang espes-yalista sa kamay sa New York ngayong linggo para malaman ang kanyang susunod na gagawin, ayon kay president of basketball operations David Kahn.
Hindi pa alam kung kailan siya makakabalik sa laro ngunit inaasahang matatagalan bago magbalik-aksiyon ang All-Star forward at Olympic gold medalist.
Sinusubukang makipag-usap ni Kahn sa ibang teams para sa posibleng trade para mapunan ang puro injury na Timberwolves na nananatiling umaasa na makakapasok pa sila sa playoffs ngayong season.
“I certainly think he’ll be out for a number of weeks,’’ sabi ni Kahn pagkatapos ng practice noong Lunes. “But because we don’t have anything else definitive yet, I can’t say precisely what that means. But a number of weeks is a number of weeks, and yes it’s important for us to try to figure out if there’s something we can do to help alleviate his loss.’’
Hindi nakalaro si Love sa unang tatlong linggo ng season matapos mabalian ng kamay sa isang preseason game.
Hindi siya inoperahan sa naturang injury ngunit hindi pa alam ngayon kung ooperahan siya matapos mabali uli.
“We know how to play without him, but we will need him,’’ sabi ni point guard Ricky Rubio. “He’s an All-Star. He does a lot of things for our team. Now some players have to step up and show why they are here in the NBA.’’
- Latest