Kung hindi magreretiro si Marquez, sino kina Pacquiao at Bradley?
MANILA, Philippines - Kung ipagpapatuloy ni Juan Manuel Marquez ang kanyang makulay na boxing career ngayong 2013, mas gusto ni trainer Ignacio ‘Nacho’ Beristain na muli niyang makalaban sa pang-limang pagkakataon si Manny Pacquiao.
Ngunit kung hanap naman ng 39-anyos na si Marquez ang kanyang ikalimang world title, si Timothy Bradley, Jr. ang dapat niyang sagupain.
Ayon kay Beristain, ayaw niyang isagupa si Marquez (54-6-1, 39 KOs) kay Bradley (29-0-0, 12 KOs), ang bagong World Boxing Organization welterweight titlist matapos itong agawin kay Pacquiao (54-4-2, 38 KOs) via split decision noong Hunyo 8, 2012.
“I have never liked Bradley and I don’t know if I can be leveraged in any way to convince my top fighter to face him,†sabi ni Beristain.
Sinabi pa ng pamosong Mexican trainer na hindi niya gusto ang fighting style ni Bradley na puro depensa at pagtakbo ang ipinakita sa kanyang paggitla sa agresibong si Pacquiao.
“We would search for an opponent who would be exciting, and give the people of Mexico everything that they deserve.â€
Matapos ang naturang panalo kontra sa Filipino world eight-division champion na si Pacquiao ay hindi pa umaakyat ng boxing ring ang 29-anyos na si Bradley para idepensa ang kanyang hawak na WBO belt.
Sakali namang maging maayos ang kondisyon ng 34-anyos na si Pacquiao ay inaasahang maitatakda ang pang-limang banggaan nila ni Marquez sa Setyembre, ayon kay Beristain.
Pinatumba ni Marquez si Pacquiao via sixth-round KO victory sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Disyembre 8.
- Latest