Kevin Love nabali uli ang kanang kamay
MINNEAPOLIS -- Nalagasan na naman ang puro injury na Minnesota Timberwolves matapos mabalian si star forward Kevin Love ng kanang kamay sa ikalawang sunod na pagkakataon ngayong season na nakumpirma sa kanyang MRI nitong Sabado.
Nabali uli ang ikatlong metacarpal sa kamay ni Love at sinabi ng team na inaasahan nilang madadagdagan ang ka-nilang impormasyon tungkol sa injury para malaman kung kailan ito makakabalik sa paglalaro.
Nakatakdang eksaminin ng espesyalista ang kamay ni Love sa New York.
Nauna itong na-injury noong Oct. 17 kaya hindi nakalaro si Love sa unang tatlong linggo ng season at naapektuhan din ang kanyang shooting.
Na-injury ang naturang kamay ni Love sa third quarter noong Huwebes sa Denver.
“He’s a huge part of what we were hoping to do and now we have to find other ways to do it,’’ sabi ni coach Rick Adelman bago ang laban kontra sa Portland noong Sabado. “Even in the game in Denver, people talk about his shooting, but he had 13 rebounds at halftime and 13 points. That’s two big numbers. We have to find a way to manufacture those numbers and find a different way to play.’’
Si Love ay nag-a-average ng team-best na 18.3 points at 14.0 rebounds sa 18 games.
Ang nangyari kay Love ang pinakahuling kamalasan ng Wolves sa unang bahagi pa lamang ng season.
Hindi na pinaglaro si Ricky Rubio nitong Sabado dahil sa back spasms. Nag-miss na siya ng unang 20 games ng season dahil sa pagrerekober mula sa injury sa tuhod.
May injury din sina Brandon Roy, Malcolm Lee at Chase Budinger at ini-waive naman si Josh Howard noong huling linggo ng December dahil sa injury sa tuhod na tuluyang tumapos ng kanyang season.
- Latest