^

PM Sports

Restless Heart humirit bago matapos ang 2012

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magandang pagtatapos ang ginawa ng tam­ba­lang Restless Heart at ni jockey CP Henson nang masama sila sa mga na­nalo sa huling karera sa taong 2012 na itinakbo no­­ong  Lunes sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Walang naging masa­mang epek­to ang pagtak­bo ng tam­balan sa mas ma­taas na grupo nang ku­­nin ang panalo sa  class di­vision 5 na magagamit bilang momentum para sa asam na mas produktibong kampanya sa 2013.

Hindi umubra ang husay ng Perfect Timing ni Ric Hipolito at  buma­ba ng grupo matapos ma­kuntento sa ikalawang pu­­westo lamang sa dati­ngan.

Nanalo sa huling tak­bo sa class division 4, tinapos ng Restless Heart ang 2012 bitbit ang dalawang dikit na panalo sa pagdomina sa class division 5.

Lumabas din ang ka­bayo bilang pinakadehadong nanalo sa araw na ito nang makapaghatid ng P33.50.

Ang forecast na 5-6 ay may­roong P264.50 dibidendo.

Ang iba pang nanalo ay ang Color Me Good, War Hawk, Lohrkes To­wer, The Surgeon, Apo Belle, King Theodore, Mid­night Break at Olajuwon/Black Parade.

Nakondisyon ang War Hawk sa laban para ma­katikim ng panalo nang ma­naig sa  Boy Pick Up sa isang  4YO-M1-3YO-M1-2 karera na inilagay sa 1,200m distansya.

Sa kabilang banda, na­ipakita ng The Surgeon na hindi pa ito bagay sa ma­babang class division 1-C matapos ang panalo sa Eskapo.

Isang araw lamang ang takbo sa  race track na pag-aari ng Philippine Ra­cing Club Inc. dahil ang  isang linggong karera mula Enero 3 hanggang 6 ay  gagawin sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

APO BELLE

BLACK PARADE

BOY PICK UP

CAVITE

CLUB INC

COLOR ME GOOD

RESTLESS HEART

SHY

WAR HAWK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with