Mexicano hahamon kay Nietes
MANILA, Philippines - Isang Mexican world strawweight titlist ang maghahamon kay Filipino world light flyweight champion Donnie ‘Ahas’ Nietes para sa suot nitong World Boxing Organization crown sa Pebrero ng 2013.
Pipilitin ni Moises Fuentes, ang kasalukuyang WBO strawweight ruler, na agawin kay Nietes ang bitbit nitong WBO light flyweight belt, ayon sa manager niyang si Jorge Barrera Tapia.
Nagdesisyon si Fuentes na labanan si Nietes mula na rin sa technical advise ni Mexican boxing legend Marco Antonio Barrera, ang kapatid ni Jorge Barrera Tapia.
“Although we know that commitment is difficult, we are confident that Moises (Fuentes) will be crowned in Manila,” sabi ni Jorge sa pag-apruba ng WBO sa Fuentes-Nietes light flyweight championship fight.
Kasalukuyang tangan ng 30-anyos na si Nietes ng Murcia, Negros Occidental ang kanyang 31-1-3 win-loss-draw ring record kasama ang 17 knockouts, samantalang dala ng 27-anyos na si Fuentes ang 16-1-0 (8 KOs).
Nakamit ni Nietes ang WBO light flyweight crown nang magposte ng isang unanimous decision win kontra kay Ramon Garcia Hirales ng Mexico noong Oktubre 8, 2011 sa University of St. La Salle (USLS) Coliseum sa Bacolod City.
Matagumpay niya itong naipagtanggol laban kay Mexican Felipe Salguero mula sa isang unani-mous decision win noong Hunyo 2, 2012 sa Resorts World sa Pasay City.
Huling nanalo si Nie-tes noong Nobyembre 17, 2012 kontra kay Danai Maeendaeng noong Nobyembre 17 sa isang non-title fight sa Dumaguete City.
Nauna nang nagkampeon si Nietes sa WBO minimumweight division nang talunin si Pornsawan Porpramook ng Thailand via unanimous decision noong Setyembre 30, 2009 sa Cebu City.
- Latest