Felton ‘di na kailangang operahan sa daliri
NEW YORK -- Hindi na kakailanganin ni New York Knicks point guard Raymond Felton ng operasyon sa nabali niyang kaliwang hinliliit at inaasahang magpapahinga sa loob ng isang buwan.
Kumunsulta si Felton sa isang espesyalista sa kamay noong Huwebes matapos umuwi mula sa Phoenix.
Nakuha ni Felton ang kanyang injury sa kabiguan ng Knicks kontra sa Lakers noong Araw ng Pasko.
Siya ay nagtala ng mga averages na 15.8 points at 6.3 assists at tinulungan ang Knicks sa isang 21-8 start.
“I was hurt, angry, it happen,” sabi ni Felton. “It was a freak accident so you can’t be too upset.”
- Latest