^

PM Sports

Stoudemire posibleng bumalik sa Jan. 1

Pang-masa

MANILA, Philippines - Posibleng makabalik na sa court si forward Amar’e Stoudemire para sa New York Knicks sa New Year’s Day.

Ito ang indikasyon mula kay  Stoudemire na nagsabing nakikita niyang makakalaro na siya sa Jan. 1 kontra sa Portland sa Madison Square Garden. Sinabi niya ang posibilidad na ito nang tanungin kung kailan ang kanyang season debut, ayon sa Newsday. Ang veteran forward ay nagrerekober mula sa injury sa tuhod.

Hindi naman bumiyahe si Sacramento center DeMarcus Cousins, kare-reinstate lamang mula sa suspension nitong Lunes, kasama ang team nitong Miyerkules para sa laro ng Kings kontra sa Trail Blazers, ayon sa isang ulat sa Sacramento Bee.

Iniulat din ng Bee na hindi rin sumama sa biyahe si Kings guard Tyreke Evans  dahil sa namamagang kaliwang tuhod.

Sa pagkatalo ng Kings sa Los Angeles Clippers no­ong Biyernes, nagka­sagutan sina Cousins at Smart sa halftime. Hindi na lumaro si Cousins sa se­cond half at inihayag ng team nang sumunod na araw na siya ay indefinitely suspended.

 

BIYERNES

INIULAT

LOS ANGELES CLIPPERS

MADISON SQUARE GARDEN

NEW YEAR

NEW YORK KNICKS

SACRAMENTO BEE

STOUDEMIRE

TRAIL BLAZERS

TYREKE EVANS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with