Hagdang Bato pinakamahusay na kabayo ng taong 2012

MANILA, Philippines - Nakuha ng May Bukas Pa ang panalo sa pagbaba ng grupo na nangyari noong  disperas  ng Kapaskuhan  sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona Cavite.

Ang class D jockey na si RB Baylon ang gumabay sa kabayo na  naunang nakontento na sinipat ang mga nasa unahan na Forest All at Golden Hue.

Pero nag-init ang sakay na si Baylon pagpasok sa huling kurbada at dito ay nagbalikatan ang Forest All  pero buo  na dumating ang May Bukas Pa tungo sa panalo.

Naliyamado pa ang  May Bukas Pa at nagpamahagi ng P8.50 habang ku-mabig pa ng P19.50 ang dibidendo sa 2-6 forecast.

Nakaisa rin ang Basic Instinct   habang nakapanilat ang Perfectionist na siyang lumabas bilang  pinakadehadong kabayo na nanalo sa araw na ito.

Si JA Guce ang sumakay sa Basic Instinct sa ikalawang karera sa gabi at  hindi nagpabaya ang tambalan sa hamon ng Color Me  Good ni Dar  De Ocampo at pinatawan ng 51 kilos  handicap weight dahil sa pagiging apprentice rider ng hinete.

Naliyamado din ang Basic Instinct para makapagpasok din ng P8.00 sa win  habang P20.00 ang nadehado pang 1-8 forecast.

Si Rodeo Fernandez ang  gumabay sa Perfectionist na binigo ang sana’y panalo na asam ni De Ocampo sa Echikatsu.

Pinakadehadong  kabayo na nakapanalasa ang Perfectionist at nagpasok ito ng P50.50 sa win habang mas magandang P660.50 ang dibidendo sa forecast na 3-1.

Show comments