^

PM Sports

Clippers nagposte ng bagong franchise record

Pang-masa

LOS ANGELES -- Matapos iposte ng Los Angeles Clippers ang record para sa pinakamahabang winning streak sa kanilang franchise history, inisip naman ni Chris Paul sina Ron Harper, Corey Maggette at iba pang mga dating players na nakaranas ng mga kabiguan.

Humakot si Paul ng 24 points at 13 assists para tu­lu­ngan ang Clippers na basagin ang kanilang 38-year-old club mark para sa kanilang pang-12 sunod na pa­nalo mula sa 97-85 paggupo sa Sacramento Kings.

Ang dating marka ay inilista ng Buffalo Braves sa 1974-75 season nang 8-anyos pa lamang si Clippers coach Vinny Del Negro.

Kumolekta naman si Blake Griffin ng 21 points at 13 rebounds para sa Clippers.

Tinalo ng Los Angeles ang Sacramento sa pang li­mang sunod na pagkakataon, kasama ang tatlo sa na­karaang season.

Hindi pa natatalo ang Clippers sapul noong Nob­yembre 26 sa Staples Center.

BLAKE GRIFFIN

BUFFALO BRAVES

CHRIS PAUL

COREY MAGGETTE

LOS ANGELES

LOS ANGELES CLIPPERS

RON HARPER

SACRAMENTO KINGS

STAPLES CENTER

VINNY DEL NEGRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with