Rivera kumubra ng dalawang titulo sa Ming Ramos c’ships
MANILA, Philippines - Inangkin nina Monica Arianne Rivera at Sean Chan ang mga titulo sa 19-Under crowns, habang sina Geero Pelegrina at Nicolette Santiago ang namayani sa U-9 titles sa PBA Ming Ramos Victor Youth Non-Ranking Championships sa Jump Smash Badminton Court sa St. San Francisco Del Monte, Quezon City noong Linggo.
Pinayukod ni Rivera ng Team JB/Lining Academy si Alizandra Candelaria ng Allied-Victor, 21-18, 21-16, para kunin ang ladies title.
Tinalo ni Chan ng Team Prima si Glenn Remo ng ETC, 21-16, 21-17, para sikwatin ang men’s title sa premier class ng event na idinadaos bilang para-ngal kay Philippine Badminton Association honorary chairperson at dating First Lady Mrs. Amelita ‘Ming’ Ramos at bilang bahagi ng Bagong Bida Grassroots Program ng PBA.
Ibinulsa din ni Rivera ang girls’ U-17 singles crown mula sa kanyang 21-10, 21-17 panalo laban kay Mikaela Aquino.
Dinomina ni Santiago ng Babolat si Nicole Benito, 21-6, 21-6, para pitasin ang girls title sa event na may basbas nina PBA Vice President Jejomar Binay, chairman Manny V. Pangilinan at sec-gen Rep. Albee Benitez.
Si Carl Clemente ng Allied Victor ang kumuha sa boys’ title sa pamamagitan ng walkover win kay Henrick Peralta.
- Latest