^

PM Sports

Back-to-back wins sa LA Lakers

Pang-masa

PHILADELPHIA -- Nananalo na uli si Kobe Bryant at ang Los Angeles Lakers.

Back-to-back na panalo lang ito ngunit malaking bagay sa Lakers dahil galing sila sa ilang kabiguan.

Umiskor si Bryant ng 34 points, nagdagdag si Metta World Peace ng 19 points at career-high 16 rebounds at ito ang unang magkasunod na panalo ng Lakers sa loob ng isang buwan matapos ang 111-98 panalo kontra sa   Philadelphia 76ers nitong Linggo.

Nagtala si Dwight Howard ng 17 points at 11 rebounds para sa Lakers na lumamang sa 60-50 sa halftime. Nagtala si Darius Morris ng career-high 15 points, lahat sa first half at umiskor si  Chris Duhon ng 14.

Nagtala rin si  World Peace ng kanyang unang double-double sapul noong Jan. 13, 2010 sa Dallas.

“It’s guys playing with confidence and guys trusting each other,’’ sabi ni Bryant may 12-of-21 mula sa field at 8-for- 9 sa free-throw line. “We played well, communicated well, kept attacking and good things happened. I know the questions have been coming because we hadn’t been winning, but our time will come.’’

Kahit wala ang mga may injury na sina  Steve Nash at Pau Gasol, ibang-iba ang Lakers na dating nagtatatalo. Si Bryant ay umiskor ng hindi bababa sa 30 points sa anim na sunod na laro.

“We did a great job of attacking early and then we stayed with it,’’ aniya.  “Our bench did a great job and stepped up and our whole team stepped up and just played with confidence.’’

Pinangunahan ni Nick Young ang mainit na Sixers (12-12) sa kanyang 30 points habang si  Spencer Hawes at Evan Turner ay nagdagdag ng tig-16-puntos.

Nagtala si Thaddeus Young ng 14 para sa Philadelphia na lumasap ng ikatlong sunod na talo sa unang pagkakataon ngayong season.

 

BRYANT

CHRIS DUHON

DARIUS MORRIS

DWIGHT HOWARD

EVAN TURNER

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

METTA WORLD PEACE

NAGTALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with