Busy ang career ni Marquez
HOUSTON – Ipinarada si Juan Manuel Marquez sa Mexico na tila napanalunan niya ang World Cup.
Naging abala ang 39-anyos na si Marquez matapos niyang pabagsakin si Manny Pacquiao sa sixth round noong nakaraang Linggo sa MGM Grand sa Las Vegas.
Binisita ni Marquez si Mexican President Enrique Peña Nieto kung saan iprinisinta niya ang ginamit niyang boxing gloves sa pagpapatumba kay Pacquiao.
Ibinigay din ni Marquez ang kanyang training jacket sa Mexican President.
Hindi sanay si Marquez sa mga ganitong parangal sa kanya kaya nagrereklamo na siya kung kailan ito matatapos.
“He said he still hasn’t enjoyed time with his family especially his kids. He’s been in and out of the house all the time,” sabi ni Ricardo Jimenez ng Top Rank Promotions.
“Everybody’s taking him to all these places. He’s been doing so many interviews and TV guestings and satellite feeds to the United States,” dagdag pa nito kay Marquez.
Ayon sa kanyang strength and conditioning coach na si Angel Hernandez, gusto ng Mexican boxer na magpahinga ng dalawang buwan para makasama ang kanyang pamilya.
At matapos ito ay magbabalik na siya sa gym para makabalik sa porma bilang paghahanda sa kanyang laban sa Hunyo.
Dapat sana ay manonood si Marquez ng laban ng kanyang kababayang si Jorge Arce kontra kay Nonito Donaire Jr.
“He couldn’t do it anymore. He’s all tied up in Mexico,” ani Jimenez.
- Latest