Magsanoc nagbitiw sa San Beda
MANILA, Philippines - Matapos igiya ang Red Lions sa kanilang pang-17 NCAA crown ilang buwan na ang nakararaan, buma-ba sa kanyang puwesto si Ronnie Magsanoc bilang head coach of San Beda.
Sa kanyang pagbibitiw, si PBA asssistant coach at D-League mentor Boyet Fernandez ang sinasabing papalit kay Magsanoc.
“Sort of said it yesterday (Saturday) at Christmas party,” sabi ng isang team insider sa naturang pagbibitiw ni Magsanoc sa okasyon na dinaluhan ni telecommunication magnate at top patron Manny V. Pangilinan.
Sinasabing sinubukan ni Pangilinan na kumbinsihin si Magsanoc, pumalit kay Frankie Lim sa pagsisimula ng taon, na baguhin ang kanyang desisyon.
Ngunit sinabi ni Magsanoc na gusto niyang tutukan ang kanyang trabaho bilang assistant coach sa Meralco Bolts sa PBA.
“Eventually he (MVP) did, due to Ronnie’s personal decision. He tried to convince him to stay one more year,” sabi ng isa pang source.
Sa pag-alis ni Magsanoc, si Fernandez, iginiya ang Sta. Lucia Realtors sa isang PBA title noong 2010, ang maaaring maging bagong coach ng Red Lions.
Sa UAAP, nabigo si Fernandez na bigyan ng panalo ang University of the Philippines habang matagumpay naman niyang hinawakan ang NLEX Road Warriors sa PBA D-League.
“Learned it last night (Saturday) that Boyet Fernandez could take over,” wika ng team insider.
“He (Fernandez) is being considered but I think a shortlist will have to be made,” ayon sa isang malapit kay Pangilinan. “End of day, final say is with San Beda College since it owns the team.”
- Latest