Panalo ang Never Cease
MANILA, Philippines - Sinuwerte ang Never Cease na may sapat pang lakas para maisantabi ang malakas na pagdating ng Basic Instinct at hiranging kampeon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Special Maiden Race kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Si Kevin Abobo ang hinete muli ng kabayo na umani ng P437,957.00 mula sa P512,738.00 benta sa Daily Double dahil sa magandang panalo na nakuha sa novatos race noong nakaraang buwan.
Inilagay ang karerang sinangkapan ng P1 milyon ng PCSO at pinaglabanan sa 1,300-metro at ang nanalong kabayo na pag-aari ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos ay nagtala ng tagumpay.
Naorasan ang tambalan ng 1:24.4 mula sa kuwartos na 7, 25, 24’, 28 para kunin din ang P600,000.00 unang gantimpala na pinaglabanan sa karera.
Sa pagbukas ng aparato ay kinuha agad ng Never Cease ang liderato at nakasunod ang Boss August.
Sa rekta ay lumayo na ang Never Cease sa Boss August pero naparemate ni JA Guce ang Basic Instinct.
Dahil outstanding, balik-taya lamang ang nangyari sa win, habang P8.50 ang dibidendo sa 7-4 forecast.
- Latest