^

PM Sports

UE kampeon sa UAAP fencing

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mga bata man ang ipinanlaban ay  hindi pa rin nabigo ang University of the East sa pagdodomina sa fencing nang angkinin ang men’s at women’s titles sa 75th UAAP season sa Phil­sports Are­­na sa Pasig Ci­ty noong Biyernes.

Humakot ng apat na ginto ang 16-anyos na si Nathaniel Perez para pa­munuan ang Warriors na mayroon ding tatlong pilak at dalawang tanso, habang apat ding ginto ang napasakamay ng Lady War­riors kasama pa ang da­lawang pilak at isang tan­song medalya.

Si Perez ang hinirang na Rookie at MVP kagaya ni Justine Gail Tinio sa kababaihan.

Si Perez ay nanalo sa men’s individual foil at epee event.

Kasama din siya sa men’s foil at epee team pa­ra tulungan ang Warriors na makatikim muli ng titulo na hu­­ling nangyari noong 20­09 UAAP.

“First year ko pa lang pe­ro nakatikim na agad ako ng championship, ka­ya masaya ako. Pagsisikapan namin na maka-back-to-back next year,” pahayag ni Perez.

Pumangalawa sa UE na naibulsa rin ang ika­walong titulo sa kalalakihan, ang Ateneo naman ay may dalawang gintong medalya.

Ang La Salle ang pu­mangatlo mula sa dalawang silver at dalawang bronze medals.

Sumegunda sa Lady Warriors na nagkampeon sa ikaanim na sunod na taon patungo sa ikapitong titulo sa pangkalahatan ang UST sa nakuhang 1-1-2 kasunod ang La Salle na may 1-2-0.

 

 

ANG LA SALLE

JUSTINE GAIL TINIO

LA SALLE

LADY WAR

LADY WARRIORS

NATHANIEL PEREZ

PASIG CI

SHY

SI PEREZ

UNIVERSITY OF THE EAST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with