NBA news-NBA news: Spurs nagbago na ang image
MANILA, Philippines - Tila nagiging ‘bad boys’ ang San Antonio Spurs.
Mula sa pananakot ni Stephen Jackson sa Twitter, sa pagdedesisyon ni coach Gregg Popovich na huwag paglaruin ang kanyang mga star players kontra sa Mia-mi hanggang sa pakikipag-iringan sa referee, tila nag-iba na ang imahe ng Spurs.
Isa pa sa nagbago sa Spurs ay umakyat na sila sa taas ng Yahoo! Sports NBA power rankings sa unang pagkakataon ngayong season matapos itala ang league-best 18-4 record.
Nanalo ang San Antonio ng limang sunod, 10-2 kontra sa Western Conference team at 11-2 sa road games.
Pumapangalawa ang Thunder at maglalaban ang San Antonio at Oklahoma sa Oklahoma City sa Lunes.
Para sa inyong kaalaman, bumagsak na ang Los Angeles Lakers sa 18th matapos ang mga laro noong Linggo.
1. San Antonio Spurs (18-4, dating ranking: second): Asahang kukutyain si Stephen Jackson ng Thunder fans sa Lunes.
2. Oklahoma City Thunder (17-4, dating ranking: fourth): Mainit pa rin ang Thunder matapos palitan ni James Harden si Kevin Martin na nag-a-average ng 15.8 points habang si Harden ay may 16.8 average ngayong season.
3. New York Knicks (15-5, dating ranking: fourth): Lalaruin ng Knicks ang kanilang ikalawa at huling regular-season game sa Brooklyn nitong Martes bago magkita uli sa Garden sa Dec. 19.
4. Los Angeles Clippers (14-6, dating ranking: seventh): Naipanalo ng Clippers ang kanilang huling anim na games at hindi pa natatalo nitong December. Susunod ang four-game trip sa Chicago, Charlotte, Milwaukee at Detroit.
5. Memphis Grizzlies (14-4, dating ranking: third): Natalo ang Memphis ng dalawa sa huling apat na laro, kontra sa San Antonio at Atlanta at mahihirapan sa susunod na tatlong road games kontra sa Phoenix, Denver at Utah.
6. Miami Heat (14-5, dating ranking: first): Mukhang walang gana ang mga reigning champions matapos matalo sa road game kontra sa mahinang Washington bago nanalo sa homecourt kontra sa New York ng 20-points.
7. Golden State Warriors (14-7, dating ranking: 11th): Unang pagkakataong nakapasok sa top 10 ngayong season matapos manalo ng apat na sunod. May pagkakataong makapagpakitang-gilas ang Golden State kontra sa Miami sa Miyerkules.
8. Atlanta Hawks (12-6, dating ranking: eighth): Hindi napatunayan ng Hawks na isa sila sa dapat katakutan sa Southeast Division matapos ang 101-92 pagkatalo sa Mia-mi noong Lunes.
9. Utah Jazz (12-10, dating ranking: 19th): Nanalo ang Jazz ng tatlong sunod. Haharap ang Utah sa mabigat na Western Conference matchup kontra sa San Antonio sa Miyerkules. Ang Jazz ay 4-9 sa road games ngayong season.
10. Chicago Bulls (11-8, dating ranking: 12th): May improvement si Derrick Rose mula sa operasyon sa tuhod at tila malapit nang magsimulang mag-ensayo ayon sa isang source.
- Latest