Triathlete tutulungan ng Japan
MANILA, Philippines - Handang tumulong ang Japan Triathlon Association (JTA) sa gagawing paghahanda ni lady triathlete Mirasol Abad para sa 2013 World Games sa Colombia na kung saan ang duathlon ay kasama sa mga lalaruin.
Nagpadala ng imbitas-yon ang JTA sa Triathlon Association of the Philippines (TRAP) at kanilang inihayag ang kahandaan na bigyan ng pagkakataon si Abad na makapagsanay kasama ang two-time Olympian sa triathlon na si Ai Ueda.
Si Ueda ang hinirang na kampeon sa idinaos na Asian Duathlon Championships na qualifying event din para sa World Games na idinaos sa Subic Bay Freeport noong Nobyembre 25.
“Malaking bagay itong offer na ito kay Mirasol dahil makakatulong ito para mas guma-ling siya. Pero wala pa kaming final decision at titignan pa namin kung may mas magandang lugar para makapagsanay siya,” wika ni TRAP pre-sident Tom Carrasco Jr.
Ang unang limang tumapos sa men’s at female duathletes ang nakapasok sa World Games at si Abad ay nalagay sa ikatlong puwesto sa 2:01:17 tiyempo sa 10-k run, 40-k bike at 5-k run race.
Libre rin ang tirahan para kay Abad para matutukan ang training.
- Latest