^

PM Sports

8-sunod na panalo sa Thunder

Pang-masa

Oklahoma City --  Nakopo ng Oklahoma City Thunder ang kanilang ikawalong sunod na panalo matapos umiskor ng 27-puntos si Kevin Durant at nagdagdag si Kevin Martin ng 24 puntos sa 104-93 panalo kontra sa Indiana Pacers.

Sa pakikipagharap sa koponang may highest-sco-ring offense sa NBA at pinakamahusay na depensa sa liga, nakaangat ang Thunder matapos umiskor ng higit sa 100 points sa ika-12-sunod na laro.

Nagtala ng 21-points si David West para sa Indiana na may limang starters na umiskor ng double digit.

Sa New York, nagbalik si Carmelo Anthony matapos mawala ng dalawang laro at humakot ng 34-points kontra sa kanyang dating team na Denver Nuggets tungo sa 112-106 tagumpay upang manati-ling tanging team na walang talo sa sariling balwarte.

Sa Los Angeles, umiskor si Paul Millsap ng 24-points, nagdagdag si Mo Williams ng 22 nang igupo ng Utah ang LA Lakers, 117-110.

Pinangunahan naman ni Jamal Crawford ang fourth quarter rally ng mga reserve players ng Clippers sa pagtatala ng 16-puntos upang iposte ang kanilang ikaanim na sunod na panalo matapos ipalasap sa Toronto ang 102-83 pagkatalo na kanilang ika-10-sunod.

Sa New York, umiskor si Brandon Jennings ng 26-points at may 24 naman si Monta Ellis nang malusutan ng Milwaukee ang paghahabol ng Brooklyn sa fourth quarter tungo sa 97-88 tagumpay.

vuukle comment

BRANDON JENNINGS

CARMELO ANTHONY

DAVID WEST

DENVER NUGGETS

INDIANA PACERS

JAMAL CRAWFORD

KEVIN DURANT

KEVIN MARTIN

MO WILLIAMS

SA NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with