Baguio City hinirang na kampeon sa PSC-POC Batang Pinoy 2012 Finals
ILOILO CITY , Philippines – Hinirang ang Baguio City bilang koponang may pinakamaraming panalo sa katatapos na PSC-POC Batang Pinoy 2012 National Finals kahapon dito.
Humakot ang Baguio City ng kabuuang 54 gold, 32 silver at 37 bronze medals sa 24 events para sa atletang may edad 15-anyos pababa.
Nagdomina ang Baguio City sa mga combat sports tampok ang 12 golds sa wushu, 11 sa wrestling at 8 sa taekwondo bukod pa sa 4 sa arnis.
Sumandig din ang Baguio City, sumegunda sa nagkampeong Laguna sa 2011 Batang Pinoy National Finals, sa archery matapos kumuha ng pitong ginto kung saan anim ang ibinigay ni Kareel Meer Hongitan.
May anim na gold medals din ang Baguio City sa athletics.
Pumangalawa naman ang Cebu City sa overall gold medal tally sa kanilang kinuhang 42.
Humakot ang Queen City ng 35 golds sa dancesports para idagdag sa 26 silvers at 21 bronzes.
Pumuwesto naman sa ikatlo ang Quezon City sa kinolektang 28 golds, 21 silver at 47 bronze medals.
- Latest