4 Pinoy sa undercard
MANILA, Philippines - Apat na Filipino fighters, dalawa ang naghahangad ng mga world boxing titles, ang makikita sa undercard ng pang-apat na salpukan nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.
Hahamunin ni Mercito Gesta si International Boxing Federation lightweight titlist Miguel Angel Vazquez ng Mexico.
Pipilitin naman ni super featherweight Michael Farenas na makalapit sa isang world boxing title bid sa kanyang pakikipagharap kay Cuban Yuriorkis Gamboa, ang dating featherweight champion at 2004 Olympic gold medalist.
Makakaharap naman ni featherweight Dodie Boy Peñalosa Jr. si Jesus Lule Raya ng Florida, habang lalabanan ni super featherweight Ernie Sanchez si Coy Evans ng Philadelphia sa isang non-title fight.
Kasalukuyang No. 5 si Gesta, may 26 sunod na panalo tampok ang 14 KOs, sa IBF rankings at naghahangad na agawin ang 135-pound division crown ni Vazquez.
- Latest