Oklahoma City niyanig ang Brooklyn
NEW YORK -- Hindi man natambakan ang kalaban, nagtuluy-tuloy ang winning streak ng Oklahoma City matapos tumipa si Kevin Durant ng 32 points at nagdagdag ng 25 points at 9 assists si Russell Westbrook para igiya ang Oklahoma City Thunder sa 117-111 panalo kontra sa Brooklyn Nets.
Ito ang pang-anim na sunod na panalo ng Thunder.
Nag-ambag si Serge Ibaka ng 18 points at may 14 si Thabo Sefolosha para sa Oklahoma City, nilagpa-san ang 100 points sa kanilang pang-10 sunod na laro sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng 15 taon.
Tinalo nila ang Nets sa pang-pitong sunod na pagkakataon.
“It’s a good win, good test for us. We were up, we should have did a better job of playing with the lead, but they’re a good team,’’ ani Westbrook.
Pinangunahan ang NBA sa victory margin, nagtala ang Oklahoma City ng average na 25 points win sa kanilang huling apat na panalo.
Naglista naman si Deron Williams ng season-high 33 points para sa Nets ngunit napigil ang itinayong six-game home winning streak.
Naglaro ang Brooklyn na wala sina starting center Brook Lopez (sprained right foot) at reserve forward Reggie Evans (flu).
- Latest