^

PM Sports

LeBron Sportsman of the Year ng Sports Illustrated

Pang-masa

MIAMI — Nang malaman ni  LeBron James na siya ang Sportsman of the Year ng Sports Illustrated, nasorpresa ang Miami Heat star.

Hindi dahil maliit lang ang kanyang mga achievements noong 2012 kundi dahil hindi pa rin nabubura sa kanyang alaala ang mga nangyari noong 2010 bagama’t hindi na ito ang sitwasyon ngayon.

Inihayag ng magazine nitong Lunes ang kanilang pagpili kay James bilang unang NBA player na nanalo ng naturang award sapul nang makuha ito ng kanyang Heat teammate na si Dwyane Wade noong 2006.



“I remember just like yesterday when I signed here and basically, like the roof caved in,” sabi ni James na tinutukoy ang kanyang pagdedesisyong iwanan ang Cleveland at lumipat sa Miami noong 2010. “To see that I and my team and everyone around me was able to patch that roof up, to come to this point and receive such a prestigious award, it’s huge.”



Kabilang sa mga nanalo ng naturang award ay sina Muhammad Ali, Jack Nicklaus, Wayne Gretzky, Arthur Ashe, Tom Brady, Derek Jeter at Michael Phelps.

Ang mga college basketball coaches na sina Mike Krzyzewski —ang Olympic coach  ni James — and Pat Summitt ang co-winners ng naturang award noong nakaraang taon.

Ayon kay Time Inc. Sports Group editor Paul Fichtenbaum, napili nila si James dahil naibigay niya ang kailangan ng Miami sa mga oras na kailangan ito lalo na sa NBA finals. “LeBron kind of made it easy on us,” aniya. “In a year that had really high standards, he just stood taller than everybody else.”



Si James ay naging NBA champion sa unang pagkakataon, nanalo ng NBA Finals MVP trophy, tumulong sa panalo ng U.S. sa London Olympics sa ikalawang pagkakataon at nakopo nito ang kanyang ikatlong NBA MVP award.



ARTHUR ASHE

DEREK JETER

DWYANE WADE

JACK NICKLAUS

LONDON OLYMPICS

MIAMI HEAT

MICHAEL PHELPS

MIKE KRZYZEWSKI

UML

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with