Howard nagbalik sa Orlando
LOS ANGELES -- Umiskor si Arron Afflalo ng 30 points, habang naglista si Glen Davis ng 23 points at 12 rebounds para tulungan ang Magic sa 113-103 panalo kontra kay Dwight Howard at sa Lakers sa kanilang unang paghaharap.
Humakot si Howard ng 21 points at 15 rebounds laban sa kanyang dating koponang Orlando na bumangon at umiskor ng 40 points sa fourth quarter patungo sa kanilang pang-apat na panalo sa 14 laro. Tinapos din ng Magic ang kanilang three-game skid.
Maraming beses dinala ng Orlando si Howard sa foul line kung saan nagposte si Howard ng 9-for-21 shooting, kasama dito ang 7-for-14 clip sa fourth quarter.
Nagpakawala ang Magic ng isang 12-2 run nang hindi makatulong si Howard sa Lakers mula sa pagbibida nina Jameer Nelson at J.J. Redick na nagsalpak ng mga 3-pointers.
Si Howard ay nasangkot sa isang four-team, 12-player trade noong Agosto.
“As a team, our effort wasn’t there,’’ ani Howard. “We have to start the game with energy and play the whole game the same way. We didn’t do that tonight, and they capitalized on it and they got a win.’’
Nagtala si Kobe Bryant ng 34 points para sa La-kers, may 3-4 record ngayon sa ilalim ng bagong coach na si Mike D’Antoni.
- Latest