Right Direction walang nag-akalang may ibubuga pa
MANILA, Philippines - Nakuha ng Right Direction ang pangalawang hangin para makaremate pa sa idinaos na karera noong Sabado sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite
Ang inakalang naubos nang Right Direction ay nakabawi matapos agawin ng katungga-ling Nurture Nature ang liderato sa pagpasok ng rekta upang mabalikan ito at manalo pa sa 2YO Maiden 2 race na inilagay sa 1,400m distansya.
May 1:31 tiyempo mula sa 13, 25’, 25, 27’ kuwartos ang naitala ng nanalong kabayo na sinakyan ni jockey Mark Alvarez.
Ito ang unang panalo ng Right Direction sa tatlong takbo at nanggaling ang tambalan sa pangalawang puwestong pagtatapos sa isang PCSO race sa pagdadala ni Jessie Guce.
Pangalawa sa alisan, umuna ang Right Direction sa huling kurbada habang rumeremate naman ang Nurture Nature na dala ni El Blancaflor.
Ngunit wala nang nailabas pa ang Nurture Nature matapos ang huling sipa ng katunggali para makontento sa pangalawang puwes-tong pagtatapos.
May P13.00 pa ang ipinasok ng win habang P17.50 ang ibinigay sa 4-7 forecast.
Kuminang din ang Racing For Glory na second choice sa limang kabayong karera na 3YO Handicap Race na inilagay sa 1,500m distansya.
Si JPA Guce ang hinete uli ng kabayo na mahigpitang nakipagtagisan sa Papa Ethan ni jockey Jeff Zarate.
Pero maluwag ang labas na siyang dinaanan ng Racing For Glory para kunin ang halos dalawang dipang agwat sa meta.
May 1:37 (19, 25’, 25’, 27) winning time ang tambalan para makapagpasok pa ng P15.50 sa win at P45.50 sa 3-2 forecast.
Nagpasikat din ang kabayong Sweet Julliane na siyang lumabas bilang pinakadehadong kabayo na nanalo sa 11 karerang pinaglabanan.
Si Rustico Telles uli ang hinete ng Sweet Julliane na nanalo sa hu-ling takbo sa Philracom Handicap Race (7), pero nadehado dahil sa handicap race 8 ginawa ang bakbakan.
Sa huling liko nakuha ng Sweet Julliane ang bandera mula sa Jade And Diamond habang nakadikit na ang naunang nalagay sa malayong ikalimang puwesto pero paboritong Sobrangklass.
Mainit ang dating ng dalawa pero hindi umabot ang Sobrangklass na dinis-kartehan ni AR Villegas para matalo ng kalaha-ting dipa sa nadehadong katunggali na may lahing Baseball Champion at Star Of Siam.
Nasa P87.00 ang ibi-nigay na halaga sa win ng Sweet Julliane habang P187.50 naman ang dibidendo sa 3-5 forecast.
- Latest