Big Leb ipinagpatuloy ang pagratsada
MANILA, Philippines - Nanatiling walang talo ang Big Leb matapos daigin ang limang katunggali sa idinaos na karera noong Biyernes sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Si jockey Jeff Zarate ang dumiskarte sa ikalawang sunod na takbo ng dalawang taong colt na tulad sa huling dalawang panalo ay nagdomina mula sa simula hanggang natapos sa 1,400-metro distansya.
Lumayo ng halos na anim na dipa ang Big Leg pero nagawang dumikit ang Señor Vito at Hora Mismo papasok sa huling kurbada.
Nakalamang pa ng bahagya ang Señor Vito sakay si apprentice rider CM Pilapil ngunit ilang hagupit ni Zarate ng dalawang latigo ang bumuhay sa init ng Big Leb tungo sa halos dalawang dipang tagumpay.
Pumangalawa ang Hora Mismo ni Val Dilema bago tumawid ang Princess Bry, Señor Vito at By The Way.
Anak ng Quaker Ridge sa Fervent Hope, ang win ng outstanding favorite sa 2YO Philracom Handicap (05) race ay naghatid ng P5.50, habang ang forecast na 3-4 ay mayroong P19.00 dibidendo.
Gabi ng mga liyamado ang huling araw ng pista sa buwan ng Nobyembre dahil ang pinakadehadong kabayo na nagwagi ay ang Power Factor sa race 5 na diniskartehan din ni Zarate.
- Latest