^

PM Sports

Ikalawang ‘twice-to-beat’ pag-aagawan ng Mixers, Elasto Painters at Gin Kings

Fidel Mangonon III - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sigurado na ang mga lu­gar sa quarterfinals ng 2012-13 PBA Philippine Cup, ang magtapos sa Top 2 makaraan ang eli­minations na may kala­kip na ‘twice-to-beat’ advantage ang pakay naman ng Barangay Ginebra, Rain or Shine at San Mig Coffee sa kanilang pagbaba­lik sa aksyon ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Makakaharap ng Kings sa alas-4:15 ng ha­pon ang Barako Bull na isa sa tat­long koponang nag­haha­bol sa pang-walo at huling quarterfinals berth, habang sa alas-6:30 ng gabi naman ang sagupaan ng Elasto Pain­ters at Mixers.

May pag-asa pa para sa pangalawa at huling ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals ang mga panalo-talo sa kartang 8-3 ng San Mig Coffee, 8-4 ng Rain or Shine at 7-5 ng Barangay Ginebra.

Kalaban naman ng Energy Cola na may 3-9 re­cord ang 4-9 ng Air21 at 1-10 ng Globalport para sa huling lugar sa quarterfinals na magsisimula sa Dec. 12.

Ang Barangay Ginebra ang pinakamainit na ko­ponan sa conference sa ka­salukuyan sa 5-game win­ning streak nito, ang pi­nakamahaba ng Kings sa loob ng nakaraang taon.

Nagsimula ang winning streak ng Barangay Ginebra matapos ang Mike Cortez-Yousef Taha trade noong nakaraang Nov. 7.

Pero natalo ang Kings sa Energy Cola, 82-92, sa ka­nilang unang paghaharap sa eliminations noong Oct. 19.

Nagwagi din ang Rain or Shine sa San Mig Coffee, 80-79, sa kanilang unang laban noong Oct. 24 bagama’t nilamangan ng umabot sa 18 puntos sa third quarter at 16 sa pagpasok ng huling yugto.

Sariwa pa sa isip ni San Mig Coffee head coach Tim Cone ang laban na iyon. Pero umaasa ito na dahil mas kumpleto ang Mixers ngayon ay makakabawi din sila sa Elasto Painters lalo pa at krusyal na laban ito para sa pagtatapos ng No. 2 sa elims.

“On many different levels, Rain or Shine is always a challenge to play against. We’ve played a number of significant games against them lately and this is another one since the winner will have the inside track on the No. 2 seed,” pahayag ni Cone kahapon.

“We’ve got a healthy lineup for the first time in a long time against them so we’ll see if that can give us an edge this time,” dagdag pa ni Cone na malamang ay tinutukoy ang mga pagkawala ni­na Marc Pingris, Joe De­vance at JC Intal dahil sa in­juries sa una nilang pag­haharap sa confe­rence.

Ang dalawang kopo­nang nasa ilalim ng team standings ay masisibak.

Ang Top 2 teams naman ay magkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage sa quarterfinals laban sa mga koponang nasa Nos. 7 at 8, habang maglalaban naman sa isang best-of-3 quarterfinal ang No. 3 kon­tra No. 6 na koponan at No. 4 laban sa No. 5.

 

ANG BARANGAY GINEBRA

ANG TOP

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

ELASTO PAIN

ELASTO PAINTERS

ENERGY COLA

JOE DE

SAN MIG COFFEE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with