Handa na ang lahat para sa UAAP volleyball
Ready na ang UAAP volleyball competition para sa kanilang 75th season.
Kahapon, naging special guests ng PSA forum ang mga team captains ng bawat eskuwela, men’s and women’s.
Naging masaya ang talakayan at game na sinagot nilang lahat ang katanungan ng mga press people.
Bukod sa basketball, ang volleyball ang most-watched event sa UAAP.
At covered live ang mga games ng Studio 23.
***
Gumaganda rin ang laban sa D-League.
Kahit na ‘yung mga teams na nasa ibaba ng standings, lumalaban din kahit na natatalo sila.
Matagal pa ang D-League kaya asahan natin na ti-tindi pa ang mga labanan sa mga susunod na games.
***
Hindi na naglalaro sa kahit anong liga ang isang basketball player.
Sayang dahil may potential pa naman siya. Tumigil na siya sa paglalaro.
Nakapangasawa siya ng mayamang babae.
Sabi ni misis, huwag na siyang maglaro at siya na lang ang magpapasuweldo kay player.
Kaya wala na siya ngayon sa basketball.
***
Malamang hindi na matuloy mag-coach ang isang PBA Legend sa isang college team.
Siya sana ang napipisil. Pero humingi siya ng mataas na budget. Ewan kung kakayanin nung eskuwela na bayaran siya ng ganun kalaki.
***
Ang National University women’s volleyball teams ang isa sa top contenders ngayon sa UAAP.
Led by Dindin Santiago, umaasa ang Lady Bulldogs na gaganda ang ranking nila ngayon kaysa last year.
Nag-improve na rin naman talaga sila ng husto dahil year round ang kanilang practice.
Suportado rin sila ng management kaya ganadung-ganado ang mga players.
- Latest