Gonzales nangunguna pa rin
MANILA, Philippines - Patuloy na hinahawakan ni Ed Gonzalez ang unang puwesto kung palakihan ng kinita sa horse racing ang pag-uusapan.
Pumalo na sa P11,543,957.07 ang naipasok na pera sa kanya ng mga mahuhusay na pa-ngarerang kabayo para layuan na ang pumapanga-lawang si Aristeo 'Putch' Puyat. May 86 panalo ang mga inilaban ni Gonzales bukod sa 59 segundo, 45 tersero at 46 kuwarto puwestong pagtatapos.
Nasa P10,232,377.46 na ang premyong napanalunan ni Puyat mula sa 70 panalo 57 segundo, 56 tersero at 45 kuwarto puwestong pagtatapos ng mga isinali.
Ang dating nasa liderato na si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos ay nasa ikatlong puwesto na sa P9,871,030.08 dahil nagkaroon lamang siya ng 30 panalo, 15 segundo, 18 tersero at 14 kuwarto puwestong pagtatapos.
Nangunguna sa kanyang kuwadra ang Triple Crown champion Hagdang Bato sa naipasok na P8,865,977.05 mula sa walong sunod na panalo.
Si Sixto Esquivias IV ang nasa ikaapat na puwesto bitbit ang P8,565,545.12 (42-26-32-45) habang si Herminio Esguerra ang nasa ikalimang puwesto sa P7,319,192.65(48-34-20-40).
Nasa pang-anim na si Leonardo 'Sandy' Javier Jr. sa P7,121,641.55 (44-30-27-26) kasunod sina Jade Bros Freight sa P5,978,374.28 (34-37-52-41), Antonio Floirendo Sr. sa P5,934,615.41 (36-31-39-26) at Atty. Narciso Morales sa P5,745,033.16 (35-34-34-53).
- Latest