^

PM Sports

Nangangamoy gulo sa POC, GTK ‘di pinatakbo sa POC elections

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Makakasama sa Philippine Sports kung papayagan ang kontrobersyal na pangulo ng athletics na si Go Teng Kok na lumahok sa POC Election sa Nobyembre 30 sa Alabang Country Club.

Ito ang naging tugon ni Ricky Palou, isa sa tatlong kasapi ng POC election committee sa naging desisyon sa pagpupulong na ginawa noong Huwebes na huwag isama sa halalan si Go.

Kasama sa komite sina dating Kongresista Victorico Chaves bilang chairman at Bro. Bernie Oca bilang kasapi tulad ni Palou at masusi nilang sinipat ang epek-to ng pagpanig ng Supreme Court kay Go.

“Natatakot kami na i-suspend ng IOC ang POC,” wika ni Palou. “Allowing him to run will do more harm than good.”

Wala namang opisyal na dokumento na ipinalabas ang komite hinggil sa ginawang desisyon pero idinagdag ni Palou na magpupulong uli ang grupo bukas upang talakayin ang gagawing hakbang sakaling dumulog uli sa korte si Go para humingi ng Temporary Restraining Order (TRO).

Pumanig ang Supreme Court sa naunang desisyon na ibinaba ng Pasig Regional Trial Court na nagsabing hindi makatarungan ang ipinataw na persona non grata ng POC General Assembly noong nakaraang taon dahil hindi nabigyan ng due-process si Go.

Sa panayam kay Go, sinabi niyang wala pa siyang nakukuhang opisyal na dokumento mula sa komite pero kung ito ang kanilang desisyon, agad na siyang tutungo sa Pasig RTC para ipatigil ang magaganap na halalan.

“Wala pa rin akong nahahawakang hard copy sa desisyon mula sa committee. Puro balita lang na disqualified ako,’ ani Go.

ALABANG COUNTRY CLUB

BERNIE OCA

GENERAL ASSEMBLY

GO TENG KOK

KONGRESISTA VICTORICO CHAVES

PALOU

PASIG REGIONAL TRIAL COURT

PHILIPPINE SPORTS

RICKY PALOU

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with