Tolentino, Sotto sa Milo Marathon CDO
CAGAYAN DE ORO CITY , Philippines --- Kapwa inangkin nina veteran runner Jeff Sotto at Aileen Tolentino ang titulo sa regional qualifying leg ng 36th Milo Marathon kahapon.
Nagposte si Sotto ng oras na 1:13:10 para ungusan sina four-time regional champion Arnold Unabia at three-time Milo Marathon King Cresenciano Sabal (1:13:55) sa men’s 21-kilometer.
Isinumite naman ni Aileen Tolentino ang kanyang tiyempong 1:30:39 para talunin sina Michelle Ann Sampang (1:31:16) at 2011 regional champion Cresabel Cadion (1:35:45) para sa titulo sa women’s division.
Ibinulsa nina Sotto at Tolentino ang premyong P10,000.00 patungo sa 36th Milo Marathon National finals sa Disyembre 9 sa SM Mall of Asia Grounds sa Pasay City.
Kinopo naman ng Misamis Oriental General Comprehensive National High School ang Biggest Delegation at ang Fastest Delegation awards.
Nagposte ang MOGCHS ng kabuuang 1177 finishers at nagtala ng aggregate time na 23:50.45 para angkinin ang naturang dalawang awards.
- Latest